"Aling Meling, ready na po ba ang lahat ng pagkain?" magalang na tanong ni Akisha sa kanilang mayordoma. "Okey ng lahat hija, wag mo ng alalahanin ang mga iyon. Ikaw itong magbihis na, aba ei magsisimula ng magsidatingan ang mga bisita ikaw na lamang yata ang hindi pa nakabihis diyan," wika nito sa kanya. "Oo nga po Aling Meling, pero mabilis lang naman po akong magbihis ei. Gusto ko po kasi okey na ang lahat para wala na akong iisipin pa. Gusto ko po kasi perfect ang first birthday ng aking mga anak," nakangiting wika niya. Parang kailangan lang, hirap na hirap pa siyang umiri sa mga ito, ngayon 1 year na agad ang nakakalipas. "Oh ei nasaan na ba si Amiro?" tanong nito. "Naku, nasa kwarto po ng mga bata at nakikipaglaro sa mga ito. Sige na po Aling Meling, maiwan ko na po kayo a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books