Sunod-sunod ang pagputok ng luces na paputok, tanda ng dumating na bagong kasal. May mga preparasyon pang ginawa sa kanila ang mga nakatatanda kesyo pampaswerte daw iyon. Matapos iyon, masayang inanunsyo na ng emcee na walang iba kundi ang kanyang pinsan na si Robert ang oras na ng kainan. Bumaha ng pagkain at kahit napakagara ng kasalang iyon walang pinipiling bisita kaya naman ang lahat ay nabusog at masaya. Kanya-kanya din ang picture ng ilang mga bisita, namamangha dahil unang beses na may ikinasal sa kanilang lugar na ganon karangya. Matapos ang kainan, syempre nagsimula na ang tradisyon na pantomina. Sumayaw silang mag-asawa at marami ang nagtuturok ng pera sa kanila. Kahit ang kanilang mga kabaranggay ay hindi nagpahuli talagang todo suporta ang mga ito sa bagong kasal. May mga Ni