ALYANA’S POV PINAGPAPAWISAN ako habang nakahiga nang may maalala akong pangyayari dito sa mundong ito. Hindi ko masyadong masayod pero may humahabol sa akin isang lalaking ninja habang hawak ko ang kuwaderno ko. Nilinga ko ang paligid ko habang tumatakas ako palabas ng mansyon namin. Bakit ang dami ng mga ninja? Bakit hinahabol nila ako? “Ma! Pa!” sambit ko sa pangalan nila hanggang sa hinawakan ng lalaki ang braso ko kaya agad kong siniko siya at tinadyakan kaya nakatakas ako. “Bakit wala sina Mama at Papa? Bakit mag-isa lang akong tumatakbo? Wala kayang tao sa loob ng mansyon?” wika ko sa isip kaya mas lalo kong pinaspasan ang pagtakbo hanggang sa may sumalubong sa aking isang lalaki iba ang suot nito sa mga ninja. Namangha ako nang biglang may nilabas siyang espada at nakipaglaban