3RD PERSON POV AGAD na binigay ni Prince Pablo kay Prince Isagani ang Maharlikan badge. “H’wag mo nang ulitin na iwala ang sagradong bagay ng isang maharlikan,” payo ng pinsan niya saka ito umalis sa harap niya. “Wait,” malamig na usal ni Prince Isagani saka niya nilapitan ito. “Napansin ko kanina ang pag-arte mo, ang galing mo do’n. Pero bakit bigla yatang lumayo ang loob mo sa kaniya?” pagtatakang tanong ni Prince Isagani nang mapansin ito. Biglang naalala ni Prince Pablo ang nangyari kanina matapos niyang makilala ang binibini. Nabalik-tanaw ng isip niya no’ng panahong may ginawa siyang misyon na utos ng ministro at salamangkerong si Bagwis. Pinapahanap ni Bagwis dito kay Prinsipe Pablo ang mahiwagang kuwaderno sa mansyon ni Lakan Gener. Do’n niya naalala ang mukhang nakabangga niy