Chapter 44

1964 Words

ALYANA’S POV  HINDI ko mapigilan na mapangiti nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Halos sasabog na ang puso ko nang dinapo niya ang kaniyang mga labi dito pagkatapos ay nanlaki ang mata ko nang gawin niya ‘yon. “Maligaya akong makilala ka, Lakambini Alyana,” ngiting wika niya sa akin pagkuwan ay napasuklay ako ng buhok malapit sa tenga ko saka ako marahang tumawa. “Masaya din akong makilala ka, Prinsipe Isagani,” nahihiyang tugon kong wika ka sa kaniya. “Sinabi na sa akin ng pinsan ko ang nangyari kaya natutuwa akong dumayo ka pa dito sa Maharlikan area para ibigay ang badge,” salaysay niya sa akin. “Ah, anyways, you may sit, Lakambini Alyana. Enjoy muna natin ang barbecue party ng pinsan ko,” dagdag pa niya kaya hinila niya ang upuan saka ako umupo dito. “Maraming salamat,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD