3RD PERSON POV BUMALIK ng silid ang dalawa matapos nilang kausapin ang royal chef na pumunta ng garden para bigyan ng juice si Lakambini Alyana. “Kamahalan, h’wag kayong pumayag sa gusto ng lakambini,” pag-aalalang wika ni aliping Adan matapos na marinig ang kahilingan ng dalaga para ibigay ang Maharlikan badge. “Gagawa ako ng paraan na makuha natin ang badge na ‘yon,” wika ng prinsipe ngunit napakamot na lang ng ulo si Adan dahil maski siya wala siyang maisip na paraan para mangyari iyon. “Kailangan ng may isang magpapanggap.” “Magpapanggap po, Kamahalan? Eh, sino naman papanggap na ikaw?” Napangiti si Prinsipe Isagani nang tingnan niya si Adan. Umatras na lamang ang alipin dahil alam na niya ang naisip ng prinsipe. Agad siyang umiling nang lumapit sa kaniya si Isagani habang bakas