ALYANA’S POV ABA’T hindi ako papayag na hindi ko makita o makausap man lang ang Prinsipe ng Maharlika. At lalong lalo na kailangan ko ibigay ang Maharlikan badge ng personal sa prinsipe. “Ako ang pinsan ni Isagani kaya ako na ang magbibigay sa kaniya," pagpupumilit nito sa akin kaya mas lalo akong lumayo sa kaniya. “Pagsinabing hindi... ayoko! Bakit mo bang pinipilit sa akin na ikaw na magbibigay sa kaniya? Ako naman talaga ang nakapulot nito sa amusement park at hindi ikaw!" pagtanggi ko sa kaniya saka siya bumuga ng hangin pagkuwan ay natawa. “Sa amusement park mo ‘yan nakita? Parang imposible naman kung pumunta ang pinsan ko sa maraming tao?” kunot-noong wika niya sa akin kaya napataas-baba ako ng balikat. “I dunno, basta napulot ko ito no’ng nasa amusement park ako,” tugon kong wi