DAYANA’S POV TUMIGIL ako sa paglakad nang nasa harap ko na ang pinto ng silid ng ama kong si Bagwis. Nang hawakan ko na ang doorknob ay huminga muna ako nang malalim bago ko inikot ‘yon. Naglalaro sa isip ko kung anong dahilan nang biglaang patawag niya sa akin. Hindi kaya may mahalaga siyang sasabihin tungkol sa pagiging lakambini ko? “Nand’yan ka na pala, Dayana. Halika at umupo sa harap ko,” aniya sa akin nang pumasok na ako sa loob. Tanaw ko mula rito na nakaupo siya sa kaniyang eleganteng opisina. Nasa mataas na posisyon si Papa dito sa palasyo dahil binigyan siya nito ng parangal mula kay Haring Alab sa pagiging salamangkero niya at dahil do’n ay malaki ang tulong na binahagi ng ama ko sa mga Maharlikans. Mahinay na naglakad ako papunta sa kaniya at umupo sa harap niya. “Pina