ALYANA’S POV MAKALIPAS ang isang oras ay tinawagan ako ni Inagasi na magkita kami upang ibigay niya sa akin ang liham. Inayos ko muna ang sarili ko saka ako lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ko ay laking gulat nang bumungad sa akin ang presensya niya. “Inagasi?” gulat kong sambit sa pangalan niya saka siya ngumiti. “Surprise!” wika niya saka inunat ang braso at binigay sa akin ang selyadong white envelope na ang laman ay sulat. “Ito na ang liham na sinulat ko para sa kaniya. Naglagay na rin ako ng oras at kung saang lugar kami magkikita.” Mahinay na tinanggap ko ang envelope na ‘yon saka ako nagsalita. “Paano mo natuntunan itong kuwarto ko? Hindi ba’t walang nakakapasok sa area na ‘to maliban sa mga kawal, alipin at mga opisyal?” Muli siyang ngumiti at tinaas-baba niya ang balikat. “H