ALYANA’S POV NAGLAKAD ako palabas ng area namin nang makasalubong ko si Danica. Nakangiti siya sa akin nang nilapitan niya ako. “Lakambini!” “Kamusta po ang plano mo ngayon? Maayos na ba?” dagdag niyang wika sa akin kaya napalinga ako sa paligid upang tingnan kung may nakarinig sa kaniya. Hinila ko siya hanggang sa mapunta kami sa lugar kung saan walang tao. “Shhh. Baka may makarinig sa’yo. Actually, pinasok ko sa ilalim ng pinto ang liham galing kay Inagasi. He’s currently preparing now para sa dinner nila ni Lakambini Dayana. Sana mag-work. Kahit magtamo lang ng kaunting feelings si Lakambini,” salaysay kong wika sa kaniya. “Paano kung pumalpak plano mo? Ano po back up plan mo?” Napahinto ako at napaisip nang malalim. Paano nga ba kung hindi naging effective ang plano namin ni In