ALYANA’S POV
NANIGAS ako sa aking kinauupuan nang makita ko ang mukha ng manghuhula. Hawig niya si lola na sampung taon nang wala sa mundo. Ito ba ang sinasabi nilang resurrection? Umiling ako. Hindi. Imposibleng si lola ito.
"Alyana?" Danica snapped her finger kaya napakurap ako.
"Kanina ka pa tinatanong ni Inang Tala pero hindi ka sumasagot. Okay ka lang ba?" Nabaling ang tingin ko sa kaniya nang bumalik ako sa huwisyo.
"Huh? S-sorry. A-ano nga ulit iyon?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Danica dahil hindi ko nabigyan-pansin ang mga sinasabi ni Inang Tala.
"Hija, tinatanong kita kung ano ipapahula mo?" muli niyang tanong sa akin.
Nanghina ang aking mga paa matapos kong marinig ang boses niya. Hindi mawaglit sa isip ko na pareho sila ng boses ng lola ko.
"Uhm...ma-mawalang galang lang po, hindi po ba kayo ang manghuhula?" Bigla akong siniko ni Danica sa tagiliran ko saka nilapat ang bibig sa tainga ko, "Huwag ka nang mamilosopo."
"May problema ba tayo, Danica?" muling tanong ng manghuhula.
Napatayo si Danica at kinaway-kaway ang kamay sa manghuhula, "Ah! Hehe. Okay lang po kami Inang Tala. Uhm...magpapahula po siya kung ano ang magiging kapalaran niya sa hinaharap."
Sinenyasan ako ng aking matalik na kaibigan na umupo sa harap ng mesa ng manghuhula. Marahan akong umupo at nilagay ang dalawang kamay sa mesa.
"Maaari ko bang hawakan ang iyong kanang kamay, Alyana?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang ngumiti. Hindi ko magalaw ang aking mga kamay dahil sa takot. Ikaw ba naman na makita mong nabuhay ang lola mo. Iniisip ko tuloy na multo ang kaharap ko.
Tumindig ang aking mga balahibo nang hinawakan niya ang aking kamay. Bumilis ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang malamig na temperatura niya na kasing lamig ng bangkay. What the heck am I thinking?!
Pilit na iunat ni Inang Tala ang braso ko upang mausisa niya ang aking kamay. Nanginginig ang mga binti ko at walang humupay ang galaw nito na para akong maiihi sa upuan. Matagal pa ba?
Sabik na akong matapos ang session na ito. Gusto ko nang umuwi at pagpahinga.
Bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Danica sa mga braso ko na kagya't na hinarap ito sa kaniya.
Pinagmamasdan niya ang mukha ko. Napakunot-noo ito nang napansin niyang may kakaiba sa akin.
"Pinagpapawisan ka, Alyana." Nilagay ni Danica ang palad niya sa noo ko at kinumpara ang temperatura sa leeg niya.
"Oh! Nanlalamig ka, Alyana. Okay ka lang ba?" pag-aalala niya sa akin.
Muli kong narinig ang sabi ng manghuhula, "Baka kailangan niya munang magpahinga."
Oo, kailangan ko nang magpahinga! Karaka kong hinawakan ang balikat ni Danica. Nakaramdam ako ng nahihilo kaya niyuko ko ang aking ulo at binigay ng aking kamay ang bigat ko sa balikat niya.
"Alyana!" Mabilis niya akong hinagkan upang alalayan.
"G-gusto ko nang magpahinga," matamlay na sabi ko sa aking matalik na kaibigan.
"Pasensya na, Inang Tala," paumanhin na wika ni Danica sa manghuhula.
Narinig ko ang pag-usog ng upuan ng matanda at naramdaman kong lumapit siya sa amin.
Kaniyang hinawi ang mga hibla ng buhok ko at sinilip ang aking mukha upang siyasatin ang kalagayan ko.
"May masakit ba sa'yo, hija?"
Dama ko ang paggulong ng mga pawis sa mukha ko. Muli akong dumilat at napansin ko ang kakaibang aura ng manghuhulang ito. May puting liwanag akong natanaw sa likuran niya at may kumikislap na mga bituin sa kaniyang paligid. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ito dahil sa hilo.
Dalawang beses akong kumurap at nang bumalik na ang normal kong paningin ay napansin ko ang nag-aalalang mukha ng lola ko. Sampung taon na rin ang nakalipas bago ko ulit siya makita. Hindi naman makatarungan na bigla na lang siya babalik sa mundo. Sana man lang nag-abiso siya bago nagpakita sa akin. Hindi 'yong bigla na lang siya susulpot at atakihin ako sa puso.
Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang akmang hahawakan na niya ang pisngi ko. Mas lalo akong nanghina kaya nawalan na ako ng malay.
***
NAPAHAWAK ako ng ulo nang bumangon ako mula sa aking hinihigaan. Pinasada ko ang aking paningin nang matanuan ang kakaibang silid na ito. Masid kong maraming nakasabit sa pader na may iba't-ibang klaseng palamuti na kulay ginto.
Nasa'n ako?
Biglang nabalik-tanaw sa isip ko ang nangyari kanina. Naalala ko na nawalan pala ako ng malay. Kusang bumaba ang mga paa ko upang siyasatin ang mga bagay sa kuwarto.
Nakita ko ang isang pamilar na malaking litrato sa naka-display sa taas ng lumang kabinet. Napatakip-bibig ako sa nakita. Ito ang regalo na bigay ni papa sa akin nong grumaduate ako ng elementary.
“P-picture naming ni Lola Sepring,” sabi ko sa sarili.
Mas lalo akong naintriga sa nakita ko kaya nag-ikot-ikot pa ako sa kuwarto baka sakaling may makita pa akong ebidensya. Hanggang sa natantuan ko ang isang lumang kuwaderno na nasa mesa at ang gintong medalya na iniwan ko sa puntod ni Lola Sepring.
“This can’t be… “Napawi ang takot na naramdaman ko kanina. “…siya nga si Lola Sepring.”
Kinuha ko ang lumang kuwaderno. Nagulat ako sa hitsura nito dahil malinis, maayos at walang bakas ng ulan. Sa pagkakaalala ko ay iniwan ko ito bago umulan, imposible naman siguro na hindi maulanan ito, unless may kumuha.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko si Inang Tala kasama si Danica na may dalang gamot para sa akin. Agad kong tinago sa likuran ko ang kuwaderno.
“Gising ka na pala, Alyana,” wika ni Danica. Nabaling ang tingin niya sa likuran ko. Tinaas pa niya ang kaniyang ulo para makita kung ano ang tinatago ko.
“Ano ‘yang nasa likod mo?” tanong niya.
Nagkunwaring natatae ako. “Uhm..gusto kong mag-cr. May cr ba rito?”
Tinuro ni Inang Tala ang likod ko. “Nasa likod mo lang ang palikuran.”
Mabilis akong tumalikod at pumasok sa banyo. Napahinga ako nang malalim, buti na lang hindi niya ako nahuli.
Pagkalipas ng limang minuto ay marahan kong binuksan ang pinto. Lumabas ako sa banyo at nabigla ako nang makita ko ang presenya ni Inang Tala.
“Kamusta, apo?”