Chapter 3

1139 Words
CHAPTER 3 ALYANA’S POV SARADO ang bibig ko habang minamasdan ko si Inang Tala. Hindi ako makapaniwalang siya nga si Lola Sepring nang tawagin niya akong apo. Paano siya nabuhay? O baka naman sumanib lang ang espirito ng lola ko? “Lola?" Nakita kong nanlaki ang mata ni Danica nang marinig niya ang sinabi ko dito. “Ano? Magkakilala pala kayo?” gulat na tanong ni Danica sa amin. Ngumiti si Inang Tala saka siya muling nagsalita. “Hindi mo ako lola, hija. Mga apo ko ay nasa probinsya.” Natigilan ako at muling nagsitindig ang mga balahibo ko nang dahil do’n. Hindi ko maigalaw ang sarili ko dahil sa takot nang matantuang imahinasyon lang pala ‘yon. Nakakahiyang marahang tawa ang ginawa ko saka ko kinamot ang ulo. “Masama talaga pakiramdam ko, kung ano-ano na lang naririnig at nakikita ko. Kailangan ko na sigurong umuwi.” “Mabuti pa ngang umuwi na tayo at makapagpahinga na.” Hinila ako ni Danica palabas saka niya ako muling hinarap. “Okay ka lang ba talaga, Alyana? Ang weird mo kasi kanina. Parang nag-ha-hallucinate ka.” Nilagay niya ang kaniyang palad sa noo ko upang usisain ang temperatura ng katawan ko. “Wala ka namang lagnat. Baka pagod ka lang siguro kakaaral. O baka naman minamaltrato ka nila sa bahay?” Biglang lumungkot ang mukha ko nang maaalala ko ang pinagdadaanan ko sa bahay ng tiyahin ko. Hindi ko pa nasasabi kay Danica ang nangyayari sa bahay pero maganda na siguro na sabihin na ngayon habang maaga pa. “Ayaw sa akin ng pinsan at tiyuhin ko. Ako nga ang naglilinis ng buong bahay nila kapalit sa pagpapatira nila sa akin pero hindi pa rin sapat ‘yon para matanggap nila ako sa bahay,” naiiyak kong salaysay sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Danica pagkuwan ay niyakap niya ako. “Sa bahay ka na lang kaya tumira?” Nanlaki ang mata ko pagkuwan ay mabilis na nilayo ang sarili dito. “Ano? Hindi ba’t wala nang space do’n sa boarding house ng tita mo?” gulat kong tanong sa kaniya dahil nakikitira lang siya sa tita niya. Sa pagkakaalam ko ay magkasundo at close relative sila kaya hindi siya nahirapan na tumira sa Maynila. “Edi, do’n ka na lang sa kuwarto ko. Mag-isa lang ako do’n saka h’wag kang mag-alala sa upa, puwede ko naman kausapin si Tita Maylene na h’wag ka na hingan. Sa mga bills na lang puwede.” Napangiti ako dahil sa pagmamagandang loob si Danica. Pero nakakahiya naman kung hindi ako magbayad ng upa. “Hindi ba’t nakakahiya sa Tita Maylene mo na makitira?” “Naku! H’wag mo nang alalahanin ‘yon! May asawa na seaman ‘yon kaya malaki pinapadala ni Tito Rodel sa kaniya at saka isa lang anak nila tapos marami pa silang negosyo katulad na lang ng carenderia. H’wag ka nang mag-alala mabait ‘yon at ako kakausap.” “Gano’n ba? Sige pag-iisipan ko kung lilipat ako.” “Bakit naman hindi mo na pag-isipan ngayon bago tayo umalis? Para naman matulungan kita maghakot ng gamit." Napabuga ako ng hangin dahil hindi talaga ako makapaniwala kay Danica na susupportahan niya akong makalayas lang sa bahay ng tiyahin ko. “H’wag mo na ako tulungan maghakot kasi iilan lang naman mga gamit ko. Alam mo namang nasunugan ako ng bahay at pamilya kaya kaunti lang dala ko.” “Oo nga pala. Nalulungkot ako sa pagkamatay ng pamilya mo. Alam kong sobrang mahal mo sila kahit ako nga nasasaktan para sa’yo.” Marahan akong tumawa at dahil do’n ay kusang may lumabas na luha mula sa mata ko kaya agad kong pinunasan ‘yon gamit ang sariling palad. Hanggang ngayon ay di maalis sa isip ko ang masasayang alaala namin ng pamilya ko. Ikaw ba naman masunugan ng mahal sa buhay, parang feeling mo hindi mo kayang mabuhay na mag-isa dahil nasanay kang nandy’an sila para sa’yo. Nakaka-miss sila katulad no’ng mawala si Lola Sepring. “Pasensya ka na, Alyana kung napaluha kita. Bayaan mo, andito naman ako para sa’yo. I will help you to get out from your aunt’s territory. Ang hirap talaga tumira sa bahay kapag di mo makasundo mga kasama mo. Araw-araw kang nasa impierno lalo na yang tito at pinsan mo.” Napangiti ako nang sabihin niya ‘yon. I am still grateful to have a friend like her at maswerte pa rin ako dahil may isang taong inaalala ako. Nagsimula kaming maglakad until we parted ways dahil magkaiba ang daan namin pauwi. “Kung gano’n pa rin ang maltrato nila sa’yo, tawagan mo ako, ah?” sigaw niya sa kabila pagkuwan ay kinawayan niya ako kaya tumango ako saka naglakad papuntang sakayan ng jeep. Mabuti na lang ay may bakante pa sa oras na ito. Mag-aalas sais na kasi ng gabi at rush hour na kaya maraming mga taong nakikipagunahan makasakay lang ng jeep. CONT...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD