Chapter 4

1212 Words
CONT... CHAPTER 4 ALYANA'S POV PAGDATING ko sa bahay ng tiyahin ko ay bumungad sa akin ang nakakunot-noong imahe ng tiyuhin ko. “Bakit lumabas ka na hindi pa hinuhugasan ang mga pinagkainan?" galit tonong tanong ni Tito Wilfred sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil nakita ko sa likuran nito ang mapang-asar na tingin ni Marta sa akin. Napayuko na lamang ako at humingi ng tawad. “Pasensya na po kayo, Tito. Nagmadali kasi ako kanina para makapasok ako sa school.” “Naku Tay! H’wag kang maniwala d’yan. Nagpapalusot lang ‘yan para makalakwatsa. Tingnan mo, anong oras na siya umuwi,” ani Marta na kinukunsinti ang tatay niya kaya kinuyom ko ang kamay ko dahil sa inis ko dito. “Oh, ano tinitingin-tingin mo d’yan? Hugasin mo na mga plato bago pa kumain ng hapunan.” “Opo.” Agad kong nilampasan si Marta papuntang kuwarto upang mag-bihis hanggang sa nagtungo ako sa lababo upang hugasin ‘yon. Nanlaki ang mata ko nang makitang mas dumami ang huhugasin ko kumpara kanina. Grabe naman ito, sinadya na talagang iponin lahat para dumami ang huhugasin ko. Di bale na, kailangan ko ‘tong gawin para makakain ako ng hapunan. Nadinig ko ang pagpasok ni Tita Maan na may dalang ulam. Amoy ko ang lenchon manok nang buksan nila ‘yon. “Saktong-sakto ang dating mo, Maan. Gutom na ako, eh,” dinig kong wika mula kay Tito Wilfred. “Nasa’n si Alyana?" “Nasa lababo, naghuhugas ng pinggan.” “Gano’n ba? Sige. Bilisan mo ang paghuhugas, Alyana para makakain na tayo.” Lumingon ako upang tingnan ang ganap sa lamesa. Natantuan kong hindi lang lechon manok ang nakita ko kundi may iba pang ulam siyang dinala—liempo at palabok. Napalunok ako ng laway pagkuwan ay biglang tumunog ang tyan ko dahil sa gutom. Kailangan ko na talagang tapusin ito para makakain na. Dahil katabi ko ang dish container ay naramdaman kong lumapit si Marta upang kumuha ng plato, kutsara at tinidor. “H’wag mo nang bilisan dahil hindi ka na makakakain mamaya,” pang-aasar na wika niya sa akin saka niya ako nilisan. Hindi ko siya pinansin dahil naka-focus ako sa pagsasabon ng mga plato. Ilang minuto ang nagdaan ay natapos ko rin hugasan ang mga ito. Huminga ako nang malalim saka ko muling hinugasan ang kamay pagkuwan ay nagpunta sa lamesa. Nakita kong ubos na ang liempo at palabok, at halos buto ng manok na lang ang narita. Hinanap ng paningin ko si Tita Maan ngunit hindi ko siya makita, baka umakyat na sa taas. “Sorry, ah? Gutom kasi kami kaya buto-buto na lang natira para sa’yo.” Pinigilan kong h’wag ipatak ang mga luha sa harap ni Marta. Gutom ako at napagod kakahugas pero di ko man lang naabutan ang hapunan. Imbis na sagutin ko si Marta ay kusang niligpit ko na lang ang pinagkainan nila saka ako muling bumalik sa lababo upang hugasan ‘yon. Napalunok na lang ako ng laway habang sinasabon ko ang mga hugasin. Di kalaunan ay biglang pumatak ang mga luha ko dahail hindi ito ang pinapangarap kong buhay. Walang laman ang tyan ko nang humiga ako sa banig. Kinuha ko sa bag ko ang cellphone at tinawagan si Danica. “Hindi ko na kaya, Danica. Gusto ko nang lumayas dito sa bahay,” naiiyak kong wika sa kaniya. “Naku talaga! Nangigigil ako sa kanila! Sige na lumipat ka na para naman matahimik na buhay mo sa kanila. Text ko sa’yo ang address, mag-taxi ka na lang para di ka namahirapan.” “Salamat, Danica.” Bumangon ako mula sa higaan saka ako nag-impake ng mga gamit. Dalawang bag lang naman dala ko dahil kaunti lang mga damit kong nabili at iba pang natitirang gamit sa bahay namin noon. Alas onse ng gabi ako nagpasyang lumabas sa bahay ni Tita Maan. Nakapag-book na ako ng taxi online para di na ako mahirapan maghanap ng masasakyan lalo na sa oras na ito. Nag-iwan muna ako ng sulat para kay Tita para hindi na siya mag-alala pa. H’wag niyo na po akong hanapin dahil hindi na po ako babalik sa bahay niyo. Salamat po sa pagpapatira sa akin. Paalam. Habang nasa sasakyan ako ay nilabas ko sa bag ang kuwaderno na nakita ko do’n kay Inang Tala. Muli kong binasa ang sulat ko at napangiti dahil masyado pa akong bata nito no’ng sinumulan kong isulat ito. Makalipas ng ilang oras ay nagtataka na ako dahil parang nasa ibang lugar na kami ni manong driver. Maraming mga puno at wala man lang street light sa daan ng kalsada. In short, nakakakilabot. “Ito po ba ang daan papuntang Rosario?” tanong ko kay manong. “Yes, Ma’am.” “Pero bakit walang street lights? Saka ang daming puno?” “Po? Okay lang po ba kayo, Ma’am? Nasa EDSA po tayo at traffic nga, eh.” Nabitawan kong di sadya ang kuwaderno nang marinig ‘yon. Jusko! Nag-iilusyon na naman ako kaya kinusot ko ang dalawang mata hanggang sa matantuang na totoong nasa EDSA nga kami. “Pasensya na manong, gutom lang siguro ito,” paumanhin kong wika sa kaniya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD