Chapter 5

1439 Words
CHAPTER 5 ALAYANA’S POV “MABUTI na lang talaga’t lumayas ka na sa bahay ng tyahin mo. Grabe naman pagpapahirap nila sa’yo. Sorry, ‘yan lang sardinas at itlog lang ulam namin,” wika ni Danica pagdating ko sa boarding house ng tita niya. Ngumiti ako at umupo sa lamesa saka muling tumunog ang tyan ko dahil sa gutom. “Salamat, Danica, ah? Hindi ko talaga alam kung saan na ako pupunta kung wala ka.” “Naku! Wala ‘yon, magkaibigan naman tayo saka hindi ko hahayaan na lagi kang inaapi nila. Pag makita ko ‘yan Marta na ‘yan, humanda talaga siya sa akin!” Marahan akong tumawa dahil nang sabihin niya ‘yon. Madalas kasi ako nagtatanggol sa kaniya sa mga bully naming klasmates tapos ngayon siya naman ang nagtatanggol sa’kin para maiwasan ko sina Marta at Tito. “Balik na muna ako sa kuwarto kasi antok na talaga ako. Ipasok ko na lang mga gamit mo sa loob at pagkatapos mo d’yan sumunod ka na lang,” ani Danica pagkuwan ay tumango ako kaya kinuha niya mga gamit ko at naiwan ako sa kusina. Sinimulan kong kainin ang sardinas at nilagang itlog. Masarap din naman ang ulam lalo na kapag gutom ako. Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko at binalik sa lalagyan. Hindi na binuksan ni Danica ang buong ilaw sa kusina at sala kaya hindi ko masayod tingnan ang hitsura nito. Pero infairness, ang laki din pala ng bahay ng Tita niya. Two-storey house ito at sa taas daw ang mga tenants, sa baba naman nakatira ang pamilya ng may-ari kasama na si Danica. Pumasok na ako ng kuwarto at namangha ako sa laki nito. Akala ko maliit lang pero ang luwag pala sa loob. Mala-Victorian style ang disenyo niya at may dalawang tantya kong queen size bed. Hindi na ako magtataka na may kaya ang Tita niya dahil seaman ang asawa nito. Ang swerte ni Danica dahil talagang close sila ng tita niya, kung ikukumpara sa akin. Hindi ako makatulog dahil hindi pa ako natutunawan kaya nagpasya akong umupo muna saglit sa kama at kinuha ko ang kuwaderno. Binuksan ko ulit ito saka ko binasa. Napangiti ako habang binabasa ko ang unang pahina ng kuwaderno. Dito nagsimula ang istorya ni Prince Isagani at Princess Alyana. Tama narinig niyo, ginamit ko ang pangalan ko para sa sarili kong kuwento. Iniisip ko kasi, paano kung ang systema ng Pilipinas ay pinamumunuan ng mga Hari at Reyna katulad na lamang si Queen Elizabeth sa United Kingdom. Hindi naman siguro mahirap ang Pilipinas noon kaya nga tayo sinakop, hindi ba? Pero dahil sa wala tayong laban sa mga dayuhan kaya tayo nasakop. Pinakli ko ang sunod na pahina at dito ako natuwa at kinilig sa unang pagkikita nina Prince Isagani at Princess Alyana. MAY ISANG timawa na tinakdang maging isang Prinsesa pagdating ng panahong mapili itong mapapangasawa ni Prince Isagani. Sa dami ng mga kandidata ay si Alyana lamang na anak nina Timawa Gener at Timawa Imee ang mapalad na nakapasok sa palasyo. Hindi maganda ang unang pagkikita ng dalawa dahil inakala ni Alyana na isang magnanakaw ito nang pumasok ito sa bahay. Ang hindi niya alam ay nakikipagbaka ito sa mga tulisang masasamang tao hanggang sa napapunta ito sa bahay niya. Walang nakakaalam sa hitsura o anyo ni Prince Isagani, kaya marami ang gustong pumasok sa palasyo upang masilayan ang mukha nito ngunit bigo nilang nagawa ‘yon. Tanging mga magulang lamang ang nakakaalam sa hitsura niya, kaya no’ng pumasok si Alyana sa loob ng palasyo ay laking kinagulat niya nang matantuan ito no’ng gabing sinalakay ang bahay nila—ang lalaking ‘yon ay si Prince Isagani. Napahikab ako dahil dinaloy na ako ng antok. Hindi na ako makapag-concentrate sa pagbasa kaya sinara ko ang kuwaderno at nilagay sa drawer. Humiga ako sa kama at mahimbing na nakatulog. Ilang oras ang nagdaan ay biglang nag-flash sa isip ko ang mukha ni Lola Sepring na parang may binubulong sa akin na puntahan ko raw siya sa Kaharian ng Maharlika. Nakita ko rin sa panaginip ang masasayang mukha ng pamilya ko kasama si Lola. Ano ang ibigsabihin nito? Hindi ko na napigilang sumigaw sa panaginip para magising ako. Napahigit ako ng hininga kasabay ng pagdilat ng mata saka ako bumuga ng hangin. “O-okay ka lang, Alyana?” pag-aalalang tanong ni Danica sa akin. “Oo, okay lang ako. Kailangan ko lang ng tubig.” Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Hindi ko pala namalayang pinagpapawisan na ako kaya agad akong kumuha ng tissue upang pahirin ito. “Good morning po,” pagbati ko sa tantya kong Tita ni Danica nang maglatag ito ng almusal sa lamesa. “Good morning din, hija. Mag-almusal na kayo ni Danica,” ngiting wika niya sa akin kaya huminga ako nang malalim pagkuwan ay kinausap ko siya. “Maraming salamat po, Ma’am sa pagpapatuloy sa akin. Laking tulong po ito para makapagtapos po ako ng pag-aaral. Di bale po, magbibigay naman po ako ng share sa bills niyo.” “Naku! H’wag mo nang alalahanin ‘yon. Ang importante ay nagsisikap ka mag-aral hanggang sa makapagtapos ka. Masaya na akong may kasama si Danica sa kuwarto niya kasi takot ‘yon mag-isa,” natatawang wika niya sa akin saka narinig ko ang boses ni Danica na kalalabas lang ng kuwarto. “Sa laki ba naman ng kuwarto ko at nakakatakot na disenyo, Tita Maylene. Sino ang hindi kikilabutan d’yan?” pabirong tugon ni Danica dito. “Pasensya ka na, Danica kasi ang kuwarto ko ‘yan noon ay disenyo ng daddy ko. Victorian style pa uso no’n kaya ayoko naman i-renovate kasi napaka-nostalgic sa akin at memorable yang kuwartong ‘yan.” “Kaya naman pala parang nasa 90s ako pag nasa loob ako ng kuwarto namin,” natatawang wika kong biro dito kaya nagtawanan sila. Umupo na kami sa lamesa at kumain ng almusal. Hotdog, tinapay at tsokolate ang almusal namin. Natutuwa ako dahil nakakakain na ako ng almusal kumpara do’n sa bahay ng tiyahin ko. “Oh, ba’t ang bilis mo namang kumain?” tanong ni Danica sa akin nang tumindig ako matapos kong kainin ang parte ko. “Wala naman tayong pasok ngayon, may pupuntahan lang ako.” “Saan ka naman pupunta? Ayaw mo bang sumama ako.” “Bibista ako sa memorial garden kung saan nilibing si Lola Sepring pati ang pamilya ko.” “Sige sasamahan kita.” Wala na akong magawa kundi isama si Danica. Nang matapos kaming mag-ayos ay agad na sumakay kami ng bus papuntang memorial garden. Isang oras at kalahati ang byahe dahil pagbaba namin ay sasakay ulit ng jeep at tricycle. “Dapat nag-online taxi na lang tayo,” ani Danica sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang mga sasakyan namin papuntang memorial garden pagkaupo namin ng bus. “Wala tayong pera at mag-adventure na lang tayo,” ngiting tugon ko sa kaniya. Dinaloy ako ng antok dahil ilang oras lang ang tulog ko kanina kaya nagpasya akong umidlip sandali sa bus. Makalipas ang ilang minuto, pagdilat ng mata ko ay laking kinagulat ko na ibang bus na ang sinakyan ko. Lumingon ako sa tabi ko at hindi ako makapaniwalang ibang babae na ang katabi ko, hindi na si Danica. Tumayo ako at nilinga ang buong paligid upang hanapin siya. “Excuse me, Miss. Nakita mo ba kung sino katabi ko kanina?" tanong ko dito. “Pasensya ka na po kasi ako po talaga katabi mo simula nang umupo tayo dito.” Nanlaki ang mata ko sabay na hinigit ko ang hininga ko dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwalang nasa ibang lugar ako kaya muli kong ginala ang paningin ko dito sa kakaibang bus at nantuan kong purong baybayin ang nakasulat dito. Nagbago ang lahat maliban sa damit ko at sa dala kong bag. Naalala kong may cellphone pala ako kaya ko agad na kinuha ito at nagtaka akong biglang naging baybayin ang sulat nito at LIKHA sim card ang nakalagay sa taas ng notif ko, hindi na GLOBE. What is going on? Ni hindi ko pa gaanong kabisado ang baybayin, paano ko maiintindihan ang sulat nila? “Sorry, Miss. Puwedeng magtanong ulit? Anong bansa ito?” tanong ko muli sa babaeng katabi ko. Napataas ng kilay ang babaeng ito na tantya kong na-we-weirduhan na siya sa akin. “Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa’yo, Miss. Pero nasa bansang Maharlika po tayo.” Napalunok ako ng laway dahil hindi ako makapaniwalang nakapasok ako sa mundong nilikha ko lamang sa isip. Paano ako makakabalik sa mundo ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD