Chapter 6

974 Words
CHAPTER 6 ALYANA’S POV BUMABA AKO ng bus pagkuwan ay agad kong ginala ang mata ko sa paligid. Kung nasa Maharlika ako bakit ganito ang itsura? Masyadong modern. Kung ano ang suot sa totoong buhay gano’n din ang suot nila. Pero ang kinaibahan lang malinis ang bus, may jeep pero aircon, walang tricycle at di masyadong ma-traffic. Naglakad ako upang masdan ang ilan pang lugar. Namangha ako dahil wala man lang akong nakitang basura o nagkakalat sa kalsada. Malinis ang paligid at halatang inaalagaan at binibigyan nila ng halaga itong h’wag madumhan. Nagtungo ako sa wet market kung saan alam kong maraming tao do’n. Pagdating ko dito ay ayad akong hiningan ng card. “ID niyo po, Miss?” tanong ng lalaking may dalang batuta. Kaagad kong kinalkal sa bag ang ID ko. Alam kong may ID ako sa pitaka, eh. “Wait lang po. Andito lang ‘yon,” aniko pagkuwan ay tagumpay kong nahanap ang ID ko. Pero nagtataka ako sa hitsura ng ID ko, Gold siya at may tatak na Lakambini? Di bale na, basta ibibigay ko na ‘to sa bantay. “Ito na po,” aniko nang ibigay ko ‘to sa kaniya. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang ID ko. “Sandali lang, Miss. Isa ka pa lang Lakambini." “Po? Anong ibigsabihin no’n?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. “Ang Lakambini ay galing sa isang mayamang pamilya. Ibigsabihin no’n datu kayo at tinanghal kang lakambini upang maging kandidata sa Kaharian ng Maharlika.” “K-kandidata po para saan?” “Para mapangasawa mo si Prince Isagani. Sandali lang, bakit ko pinapaliwanag sa’yo ito? Hindi ba’t dapat alam mo? At saka, bakit wala kang dalang alipin na kasama mo? Delikado dito Miss Alyana at kapag malaman ng mga tao na isa kang Lakambini ay baka pag-interisan ka. Kaya umalis ka na dahil hindi nararapat dito ang isang Datu.” Binalik ni Kuya ang ID ko at mainam na tinitigan ang nakatatak na Lakambini dito. Wala akong maalala sa kuwento kong may katagang Lakambini ang alam ko ay isa kaming Timawa, hindi Datu. Teka, ano’ng year ba ngayon? Agad kong dinukot sa bulsa ang cellphone upang tingnan ang taon at laking kinagulat kong 2019 din ito. Napabuntong-hinga na lamang ako at baka nga nagbago ang systema ng bansang ito at nagkataong itong taon ako napunta. Muli kong binuksan ang bag ko upang maghanap ng pera pamasahe ngunit wala akong mahanap. Omg! Saana ko pupunta ngayon? Tinaas ko nang bahagya ang cellphone ko at napabuga ng hangin dahil sa baybayin sulat. Hindi ko kabisado ang sulat nito kaya kailangan kong palitan ang settings nito. Napaisip ako nang malalim at inaalala ko kung saan ko matatagpuan ang language setting. Ilang minuto pa ang nagdaan bago ko mahanap ito. Mabuti na lang talaga ay may English language kaya napalitan ko siya. Now, I’m trying to call Danica’s number. Oo, sinaulo ko ang numero niya noon just in case na kailangan ko ng tulong simula no’ng namatay ang pamilya ko. “Mali ang numero. Pakisuri ang numero at i-dial muli,” ani ng recorded voice ng babae sa linya. “Oo nga pala! Hindi gagana dito sa bansa ang numero sa totoong buhay.” Muli akong humugot ng malalim na hininga dahil hindi ko alam kung saan ako tutungo. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa screen ang baybayin na pangalan nito. Dahil may kaunting alam ako sa baybayin ay nauna kong nabasa dito ang letrang D at A. Sandali, si Danica ba ‘to? Kaagad kong sinagot ang tawag na ‘to. “Hello?” “Miss Alyana! Nasa’n na po kayo? Kanina pa kita hinahanap dito sa bahay pero wala ka. Naglayas ka ba? Naku! Delikado sa labas kung hindi mo ako kasama!” Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko siya maintindihan. “Ano? Bakit kailangan pa kita para lumabas ako?” Narinig kong umiiyak si Danica sa linya kaya kumunot-noo ako dahil di ko talaga mawari siya. “May sakit ka nga talaga, Miss Alyana. Ako po si Danica ang alipin mo. Hindi ka puwedeng lumabas ng mansyon dahil pagagalitan ako ng mga magulang mo. Hindi mo na baa ko naaalala?” mangiyak na wika niya sa akin kaya napanganga ako dahil hindi inaakalang si Danica pa ang katulong ko. What on earth is going on? Bakit ibang-iba ito sa kwentong gawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD