CHAPTER 7 ALYANA’S POV WALA akong choice kundi papuntahin ko siya sa wet market dahil sa wala akong pamasahe pauwi at di ko pa masyadong pamiliar ang lugar. Kung isa akong lakambini, bakit nilalagpasan lang ako ng mga tao? Inuisa ko ang suot kong damit at napagtantuang naka-casual attire lang pala ako. Iniisip ko kung ano kayang klaseng damit manamit ang isang lakambini. Baka nga kailangan mag-suot ng isang mamahaling damit at kagalanggalang. Ilang sandali pa ay nagulat na lamang ako sa biglang busina ng sasakyan. Nakita ko ang isang itim na limousine malapit sa akin. Binaba nito ang bintana at napatakip ako ng bibig nang makita ko si Danica. “Omg! Ganito ba kami kayaman at talagang may limousine pa? Kung sabagay, sa kuwento ko ay may kaya ang mga magulang ko, but not as wealthy as th