CHAPTER 8 ALYANA’S POV NAPAHINTO ako saglit nang makasalubong ko sa loob sina Mama at Papa na suot ang cultural dress ng Pilipinas—mala-gintong Maria Clara at Barong Tagalog. “Ma? Pa?” masayang tawag ko sa kanila at sa sobrang miss ay bigla ko silang niyakap. “Oh, Alyana, kamusta pakiramdam mo? At teka, bakit ganiyan ang suot mo?” galit tonong tanong ni Mama sa akin nang humiwalay siya sa akin. “Okay lang ‘yan, nasanay siguro si Alyana sa pagiging Timawa,” ani Papa dito saka ngiting lumapit siya sa akin. “Alayana, hija. Hindi na tayo Timawa ngayon, isa na tayong Datu. Kaya magpalit ka muna ng damit kung lalabas ka ng bahay.” Bakit naman kasi kailangan pa magsuot ng ganiyang sa labas? Ang init ng panahon ngayon, gusto ko yung komportable ang susuotin ko. “Yes, Pa,” mabilis ko