ALAYANA’S POV NAPANGITI ako habang pinagmamasdan si Inagasi na parang batang nakalaya sa isang kulungan. Naglalakad kami papuntang bayan, malayo siya pero kaya namang lakarin. “Alam mo, iniisip ko tuloy na galing ka sa isang mahigpit na pamilya. Yung tipong hindi ka nila basta-bastang pinapalabas ng walang kasama? Tingnan mo nga sarili mo, para kang nakalaya sa kulungan. Okay ka lang ba talaga? Or excited ka lang?” ani ko sa kaniya saka siya marahang tumawa. “Dami mong iniisip, Lakambini Alyana.” “Alyana na lang itawag mo sa akin, masyadong mahaba ang Lakambini para idugtong sa pangalan ko.” “Hmm. Okay. Sige.” Huminto siya ng paglakad saka siya lumingon sa akin at ngiting binanggit ang pangalan ko. “Alyana na lang. Since we are friends naman,” dagdag niyang wika sa akin pagkuwan ay