ALYANA'S POV NAPATAAS ng kilay si Inagasi matapos kong ituro ang chicken booth. “Eh? Seryoso ka na d’yan tayo kakain?” maarteng tanong niya sa kain nang biglang makita ang mga nagkukumpulang mga tao sa booth na ‘yon. “Ang arte mo naman, Inagasi. Hindi naman ‘yan ibebenta kung hindi malinis, eh, kaya halikana.” Nang mauna akong maglakad ay napahinto ako nang hindi siya sumunod sa akin. “Sige. Ganito na lang. Dyan ka na lang at ako’y pipila para mag-order. Okay lang?” tanong ko sa kaniya saka siya ay napalinga sa paligid niya at tarantang lumapit sa akin. “Sa dami ng mga tao dito ay baka bigla ka na lang mawala sa pangin ko. Sasama na lang ako sa’yo.” Napataas ako ng kilay pagkuwan ay napangiwi. “Ano ba naman itong kasama ko napakaduwag,” aniko sa sarili ngunit sinigurado kong marir