3RD PERSON POV “AALIS na lang ako dito at hindi ko pa mahahanap ang badge ko. Ano na lang sasabihin ng mga magulang ko kung malaman nilang nawala ko iyon?” nababahalang wika ni Prinsipe Isagani habang walang tigil ang paghahanap niya sa nawawalang Maharlikan badge niya sa kuwarto. “Baka naman po nahulog niyo ang badge no’ng nasa bayan ka? O baka naman no’ng naglakuwatsa ka?” tugon na wika ni Adan sa kaniya habang patuloy ang paghahanap niya sa mga drawers at kabinet ng kuwarto ng prinsipe. Huminto sa paghahanap si Isagani saka siya bumuntong hininga. Kailangan niyang umalis ng bansa para mangalakal at bumili ng mga bagay na kakailanganin niya para sa misyon niya sa mga bata. Nakiusap siya sa kaniyang ama na si Haring Alab na gagawa siya ng isang proyekto para sa kinabukusan ng mga bata.