"I-inay?" Dahan-dahang nag-angat ng ulo ang matandang babae na nakakadena ang kamay at paa. Malungkot ito pero nang makita ang nagsalita'y bumukas agad sa mukha nito ang kaligayahan. "N-nash? Anak ko!" garalgal ang boses na inalahad ng matanda ang dalawang kamay sa binata. Agad tumulo ang mga luha nito sa mata. Gusto nitong yakapin ang anak. "Inay ko.." Pinagbigyan naman ni Nash ang ina. Sinugod niya ito ng yakap. Mahigpit na mahigpit ang kanilang naging akapan. Ramdam na ramdam nila ang pangungulila sa isa't isa. "Anak, bakit ngayon mo lang ulit ako pinuntahan dito? Gayung iisang bahay lang tayo naroroon?" may pagdadamdam na sabi ng kanyang ina nang maghiwalay sila ng yakap at naibsan ang pangungulila nila sa isa't isa. Hinahaplos-haplos nito ang kanyang pisngi. Ginagap niya ang isa