Parang hindi tao ang kinalabasan ng katawan ni Jhoena. Nagmistula itong baboy na kinatay! At walang nagawa si Realyn sa kademonyahan ni Mang Arthur. "Satanas ka! Hindi ka tao!" Ang tanging paulit-ulit niyang sigaw kasabay ng paghagulhol para sa sinapit ng kaibigan. "'Wag kang magalit! Dahil pagkatapos ko nito! Ikaw naman! Sapat na ng ilang buwang panggisa ang mga makunat niyong karne!" nakangising ani Mang Arthur. Tinaas nito ang putol na ulo ni Jhoena. Tumutulo pa ang sariwang dugo mula sa leeg na pinagputulan. "Tingnan mo at nakangiti sa 'yo ang 'yong kaibigan. Alam niya kasing susunod ka na!" "Jhoena! Diyos ko!" mahinang bigkas niya sa pangalan ng kaibigan. Lalong rumagasa ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Tumawa ng pagkalutong-lutong si Mang Arthur. Inilubog na nito ang pugot n