"Anong nangyari rito?!" Hindi mailarawan ang galit na nararamdaman ni Mang Arthur nang makita ang hitsura ng ihawan nito. Tinawagan ito ng manager kanina kaya iniwan nito saglit si Realyn sa bodega. Galit ito dahil basag-basag ang gamit ng ihawan na animo'y dinaanan ng halimaw. "S-sir, si--si Sir Nash po ang gumawa nito. Pinagsasara niya po lahat at ang sabi po'y sarado na po ang ihawan niya mula sa araw na 'to," takot na takot na sumbong ng manager na nag-iisa na lamang doon. Halos magdikit ang dalawang kilay ni Mang Arthur sa narinig. Kusang nabitawan ng kamay nito ang tim na plastik na dala. Sa pagkapunit n'on ay tumambad ang mga sariwang karneng nakalagay roon. Ang karne ni Jhoena! Agad iyon pinulot ng manager at inayos ulit sa pagkakalagay sa plastik. "Wala siyang karapatan na si