Nahigit ni Realyn ang kanyang hininga nang isarado ni Nash ang kabinet na kanilang pinagtaguan. Konting liwanag mula sa labas ang tangi nilang ilaw para makita ang isa't isa. Mabilis ang kanilang naging kilos kahit nanginginig ang kanilang mga kalamnan sa takot. Tiniis na lamang nila ang masangsang na amoy doon at ang sikip maitago lamang ang mga sarili sa panganib kahit walang kasiguraduhan.. Dahil wala na rin sila pagpipilian! "N-nash?" mahina niyang sambit sa pangalan ng binata, takot na takot na talaga sya. "Sssshh! 'Wag kang matakot. 'Andito lang ako," anas ng binata sa tainga niya saka inakbayan siya upang mapalapit siya sa katawan nito. Isiniksik niya ang ulo sa matipunong dibdib ni Nash. Dinig na dinig niya ang napakalakas na t***k ng puso ng binata pati na ang pagtaas baba ng