"Hayup ka, Nash! Ako pa ang kinalaban mo!" madiin ang tinig na wika ni Mang Arthur habang nilalaro-laro nito sa kamay ang matalas na kutsilyo. Hindi mailarawan ang takot na rumehistro sa mukha nina Nash at Realyn. Pinagpawisan sila ng malapot. At napasandal sa pinto ng kabinet na pinagtaguan nila. Nangangatal ang buong katawan ni Realyn na kumapit sa isang braso ni Nash. Matalim naman ang mga mata ni Nash na nakatingin ng diretso sa amang demonyo. Natatakot din ito, pero hindi para sa buhay nito kundi para kay Realyn. Kumilos si Nash. Inilagay niya sa likuran nito si Realyn nang makitang dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo si Mang Arthur. Prorprotektahan niya ang dalaga ano man ang mangyari. Dahil si Realyn ang nagpabalik sa tunay niyang pagkatao na iniba ng kayang ama sa mahabang pa