"Huh?!" napasinghap sa hangin si Realyn. Hawak niya ang kanyang leeg. Tapos ay butlig-butlig ang kanyang pawis na napalinga-linga siya paligid. "Realyn, bakit?" tanong ni Nash sa kanya. Nakadilat ang dalawang mga mata ni Realyn na tumingin kay Nash. "N-naramdaman mo ba 'yon? At nakita mo ba siya?" "S-sino?" maang na tanong ni Nash. "Si... si Jhoena! Sinakal niya tayo kanina!" Natigilan si Nash. Nagkatitigan silang dalawa. Bumakas na ang takot sa mukha ni Nash. Nanlambot si Realyn. "Hindi kaya.. hindi kaya may mali akong nagawa na hindi niya gusto?" Hindi nakaimik si Nash. Bumalik sa ala-ala niya ang pagpapahirap niya kay Jhoena. Napaiwas siya ng tingin kay Realyn. Napapikit naman si Realyn at napatungo. Naguguluhan ang isipan niya. Alam niya, sigurado siya na si Jhoena iyon kanina,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books