PART 4

573 Words
"Nakakatakot talaga ang nangyayari! Umaabot na hanggang sa kabilang City ang nagwawalaang mga bata!" Sakbibi ng takoy na ani Jhoena habang nagbabasa ng dyaryo. "Balak 'ata ng mga kidnapper na ubusin ang bata sa mundo, eh!" Napakunot-noo si Realyn. Nakiusyoso na rin siya sa nakasulat na news. Sa mga nakitang larawan ay naalala niya ang mga nakapaskel na mga larawan ng mga bata na nadaanan nila noon. "Kailan pa nag-umpisa ang kakaibang nangyayari ito rito sa probinsya niyo?" usisa niya. "Halos pitong taon na rin," sabad ni Mang Douglas na napadaan sa kinaroroonan nila na nagmimiryenda. Nasa may lawn sila ng likod ng bahay at nagre-relax. Ibinaba ni Jhoena ang newspaper na binabasa. "Mang Douglas, wede ba magtrabaho ka na lang?! Huwag ka nang makipagchismisan sa amin, pwede po?!" at pagtataray nito sa matanda. Dahil doon ay yuko ang ulong tumalilis na ang matanda. Sinundan ito ng tingin ni Realyn. Balak niya itong kausapin ulit kapag nakatyempo siya. "Gusto ko ulit kumain sa restaurant, Jhoena." Pag-iiba niya ng topic dahil gusto niyang bumalik sa restaurant na iyon. "Ay type!" wika ng kaibigan na na-excite. "Ang sasarap ng mga pagkain doon noh? Lalo na sana kung may gulay." Tuwid siyang tumingin sa mukha ni Jhoena. May gusto sana siyang sabihin dito pero nag-aalangan pa siya. "Lalo sana kung may gulay," ta's paulit-ulit na ume-echong boses ni Jhoena sa kanyang isipan. Hindi kaya? May ibig iparating ang mga batang nagpapakita sa kanya? Tama! Madaming bata ang nawawala at madaming bata rin ang nagpapakita sa kanya. Tugma ang lahat. Nakagat niya ang hinlalaking daliri at matamang napaisip. "Realyn, bakit?" nawerdohang tanong ni Jhoena sa kanya. Napansin ang pananahimik niya. Kahit alam niyang hindi maniniwala ang kaibigan ay nagpasya siyang ikwento ang mga nakita. "May 3rd eye ka?!" Namimilog ang mga mata ni Jhoena. She nodded. "Bata pa lang ako ay nakakakita na ako ng mga hindi ordinaryong nilalang." Impit na tumili si Jhoena. "Nakakatakot ka pala, Bes!" Ngumisi siya at napailing sa kaibigan. "Pero ano sa tingin mo? May kaugnayan ba ang lahat?" Nagkibit-balikat si Jhoena. "Malalaman natin 'yan kapag bumalik tayo ulit do'n." Matagal silang nagkatinginan na magkaibigan. "Tara?" Bago siya nagpasyang magyaya. Mas lumakas ang kutob niya na may ugnayan ang kainan ni Mang Arthur sa mga nawawalang bata. And as usual napakaraming tao na naman ang nadatnan nilang kumakain sa restaurant pagdating nila roon. Nanatili muna silang dalawa ni Jhoena sa labas at nagmasid. "May nakikita ka ba?" bulong sa kanyan ni Jhoena. Nakakapit tuko ito sa isang braso niya. Umiling siya dahil wala naman talagang kakaibang nakikita pa ang kanyang ikatlong mata. Hanggang sa nadako ang paningin niya sa lumang bahay na katabi lang ng restaurant. Ang bahay dati nina Nash Roxas. Lalo itong naluma at halatang inabanduna na. At nagmukhang ng bodega. Napansin niya rin ang isang itim na van. Nakaparada ito sa pagitan ng restaurant at ng bahay. Napatitig siya sa sasakyan. At anong gulat niya nang parang may mga kamay na lumabas sa tinted na salamin ng van sa likuran. Sa gulat at napa-step backward pa siya ng isa. At napapikit ng mariin. "Realyn, bakit?" Hindi niya sinagot si Jhoena nang dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sa halip tiningnan niya ulit ang van. Wala na ang mga kamay na parang gustong lumusot o makawala sa sasakyan. "Jhoena, dito ka lang!" saglit ay matapang na aniya sa kaibigan. May kakaiba kasi sa van na iyon. Dapat niya itong tingnan.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD