MUKHANG out of words pa rin si Zi nang tuluyang mahubad ni Karizza ang saplot sa kaniyang katawan. May hiya mang nararamdaman ay isinantabi na lamang niya muna. It’s been two years, pero para bang nangangapa na naman si Karizza sa ganoong estado ng relasyon nila ni Zi. Relasyong normal lamang naman sa mga mag-asawa. Inilubog din ni Karizza ang kaniyang katawan sa tubig sa jacuzzi. Sa kabilang dulo siya pumwesto. Sa kaniyang labi ay sumilay pa ang mapanuksong ngiti para sa kaniyang asawa. Nang makabawi si Zi ay lumunok pa ito. Ikinurap-kurap din nito ang mga matang hindi pa rin makapaniwala sa nakikitang kagandahan ng asawa. She’s even more beautiful wearing nothing. Tumikhim pa si Zi. “Dito ka sa tabi ko.” Bakit nakakaramdam ng kakaibang déjà vu si Karizza ng mga sandaling iyon? Bigla