MATAPOS mapatulog ni Karizza si Khai ay buong ingat pa niyang inilapag sa crib nito ang kaniyang anak. Napangiti pa siya nang makitang himbing na himbing na si Khai sa pagtulog nito. Ang source ng kaniyang lakas. Hindi nga talaga maikakaila na anak ito ni Kenzie Castellano, daig pa kasi ng dalawa ang animo pinagbiyak na bunga. Kapag kuwan ay unti-unting nabura ang ngiti sa kaniyang labi. Marahan pa niyang hinaplos-haplos ang buhok ng kaniyang anak. “Khai, anak,” aniya sa mahinang tinig. “Patawad kung iniwan na lang kita basta sa daddy mo. Gulong-gulo ang isip noon ni mommy dahil buong akala ni mommy, iiwan na siya ni daddy mo, eh. Huwag kang mag-alala, anak, dahil simula ngayon, buo na ang pamilya mo. Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa. Makakasama mo na kami araw-araw ng daddy mo.