HINDI NA naituloy pa nina Karizza at Zi ang kanilang pagkukuwentuhan nang may pumasok na doktor at nurse para i-check si Zi. Sandali ring nagtanong ang doctor sa mga nararamdaman ni Zi ng mga sandaling iyon. “I’m fine. As long as my wife is here. Doc,” ani Zi kapag kuwan. “Puwede bang umuwi na?” “Zi,” agad namang sangat ni Karizza. “Doc, ‘wag po ninyong pansinin ang request ng asawa ko. Dito lang siya hanggat hindi humihilom ang sugat sa dibdib niya. gusto kong makasigurado na maaalagaan siya ng husto at hindi magkakaproblema sa tama ng bala sa kaniyang dibdib.” Natatakot si Karizza na baka magkaroon ng inpeksiyon sa sugat nito. At ayaw niyang mangyayari iyon. “Doc, puwede naman akong magpagaling sa bahay, ‘di ba?” “Doc, sa akin po kayo makinig” Maging ang doctor ay nalilito kung sin