NAG-BAWI ng tingin si Tyrah. Kita niya ang pagiging dismayado ni Ravano. Paano kung bawiin nito ang sinabi kanina na hindi na siya babalik sa Club? Wala na naman siyang silbi para kay Ravano. Hayon na naman ang pakiramdam na ayaw niya. Biglang bumalik. Inaatake na naman siya ng anxiety niya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya na posibleng mangyari sa kaniya. “Get dress,” anito na bumaba na sa kama at walang pakialam kung nakahantad man ang hubad nitong katawan. Hindi nangahas na tingnan ni Tyrah si Ravano. Hindi rin siya gumalaw sa kaniyang kinahihigaan. Nang makapagbihis si Ravano ay saka lamang nito na-realize na wala naman siyang pamalit. Walang salita na lumabas ito sa silid na iyon. Nang mapag-isa ay saka lamang nagawang bumangon ni Tyrah. Saka lang din niya nakita ang blood