NANG pakawalan ni Ravano ang mga labi ni Tyrah ay kapuwa habol pa nila ang kanilang paghinga. Nagmulat ng mga mata si Tyrah. Ang mga titig ni Ravano ay halos manuot pa sa kaniyang kaibuturan. She’s out of words. Nagsawa na ba agad si Ravano sa halik niya? Hindi niya mabasa kung ano ba ang nasa isipan nito ng mga sandaling iyon. Magtatanong sana si Tyrah nang muling tawirin ni Ravano ang distansiya ng mga labi nila. Oh, God! Halos mabaliw siya sa malambot na labi ni Ravano. First time niya, ngunit sarap na sarap siya sa halik na ipinamamalas nito sa kaniya. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw niyang hihinto sila sa kanilang ginagawa. Lalo na nang mag-umpisang dumama sa hita niya ang kamay ni Ravano. Siguro nga, susulitin ni Ravano ang b-in-id nito sa kaniya na sampung milyon. At i