“BAKIT hindi kayo makapagsalita? Nalulon na ba ninyo ang mga dila ninyo?” kulang na lamang ay magsalubong ang mga kilay ni Zi dahil sa pananahimik ng magkapatid na Del Greco. Ipinatawag niya ang mga ito at pinapunta sa bahay nila ng kaniyang asawang si Karizza. Hindi nga nagtagal at agad dumating ang magkapatid. Si Massimo ang unang nakabawi sa pagkabigla. “We’re just surprised,” sagot nito. “Well, congratulations. Nadagdagan na naman ang tagapagmana mo, Boss.” Isinandal ni Zi ang kaniyang likuran sa backrest ng kinauupuan niyang sofa sa study room. Magkakaharap silang tatlo roon. “Mag-stay muna kaming mag-asawa sa America. Kasama ang anak naming si Khai at ang mga magulang ni Karizza,” aniya sa dalawa. Bumuntong-hininga pa siya. “Kayo na muna ang bahala sa lahat-lahat. Mag-fo-focus mu