NALALAPIT na naman ang pag-alis nina Karizza sa bansa. Pero iyong isang bagay na curious siya ay ni hindi pa rin niya malaman kung ano ba ang naroroon. Mataman niyang pinagmasdan ang pinto ng study room. Nang mga sandaling iyon ay nakatayo siya sa labas niyon. Nagdadalawang isip kung aabalahin ba niya si Zi o hindi? Alam niya, busy ito ng mga sandaling iyon sa loob ng silid na iyon. Dahil simula nang mapagkasunduan nila na magkakasama silang babalik sa America dahil sa kaniyang pagbubuntis, marami ng inaasikaso si Zi para sa pag-iiwan nito ng mga negosyo sa magkapatid na Del Greco. Sa huli, napagpasyahan na rin ni Karizza na abalahin na muna ang kaniyang asawa. It’s now or never, ika nga. Dahil bago sana sila umalis, gusto niyang malaman ang sekreto sa likod ng pinto na nasa loob mi