DAHIL sa pagdadalang tao ni Tyrah, literal na pinahirapan siya ng kaniyang morning sickness. Naging masilan din siya, lalo na sa pagkain. May time pa na ayaw talaga niyang kumain. “Tyrah, hindi naman pupwede na hindi ka susubo kahit kaunti. Paano ang baby? Anong nutrients ang makukuha niya mula sa iyo kung hindi ka kakain? Isipin mo, dalawang baby ang binubuhay ng katawan mo,” malumanay na wika ni Ravano kay Tyrah. Nakahiga sa kama si Tyrah ng mga sandaling iyon at pati paggalaw ay tamad na tamad ang pakiramdam niya. Hindi naman siya sinisermunan o pinagagalitan ni Ravano, pero heto at namumuo pa ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Hindi ako nang-aaway,” ani Ravano nang makita ang pagsungaw ng luha sa kaniyang mga mata. “Tyrah, gusto ko lang na makakain ka nang maayos. Bukod sa baby,