Chapter 19 – Ravano Del Greco: The Playboy Mafia Boss

1209 Words

NANG mapag-isa sandali sa silid ni Ravano sa mansiyon na iyon ay napatitig sa kawalan si Tyrah. Mag-isa lamang siya roon dahil si Ravano ay muling lumabas para puntahan ang kapatid nitong masama na naman ang mood ng dahil sa presensiya niya. Napabuntong-hininga si Tyrah. Tingin niya ay hindi na niya mababago pa ang tingin ni Massimo sa kaniya. Massimo, ani Tyrah sa kaniyang isipan. Huwag kang mag-alala, hindi rin naman ako magtatagal sa buhay ng kapatid mo... Bigla ang p*******t ng kaniyang lalamunan. Hindi sila totoong magkarelasyon ni Ravano, pero heto, nasasaktan ang pakiramdam niya dahil sa disgusto sa kaniya ng kapatid nito. Pasalamat ito at hindi naman siya totoong gusto ni Ravano. Nayakap ni Tyrah ang isang unan. Hinayaan lamang niya ang pasaway niyang mga luha sa pagpatak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD