SA MGA NAKALIPAS na mga araw at linggo, halos makalimutan ni Tyrah ang totoong papel niya sa buhay ni Ravano dahil sa pagiging natural nito sa kaniya. Wala talaga siyang masabi sa pagiging mabait nito. Kung paanong ilag dito ang mga kasambahay nila, kabaligtaran naman siya rito. Siguro nga, sa kaniya lamang ganoon kabait si Ravano. Ngunit sa araw na iyon, hirap na naman si Tyrah sa pagbangon. “Antok pa ako,” aniya kay Ravano na nag-aaya sa kaniya na kumain na sila ng agahan. “Tyrah, alam mo naman na gusto kong kasabay ka sa almusal. Matulog ka na lang ulit mamaya. Hmm?” Sinikap niyang imulat ang kaniyang mga mata. Ngunit heto, papapikit na naman. “Hindi ko kayang bumangon. Sobrang nanlalambot pa ang pakiramdam ko.” “Hindi ka naman puyat. May masama ka bang nararamdaman?” Umiling si