Chapter 15 – Ravano Del Greco: The Playboy Mafia Boss

1610 Words

“DARLAH, nasaan na si Tyrah?” galit na wika ni Manuel nang puntahan niya si Darlah sa opisina nito. “Manuel, narito ka na naman. Bakit? May utang ka na naman ba na kailangan mong bayaran?” “‘Wag kang mag-alala dahil hindi ako mangungutang sa iyo. Kailangan ko siyang makausap.” Tumawa nang mapakla si Darlah. “Tingin mo ba, gusto kang makausap ng anak mo? Tingin ko kasi, sagad sa impiyerno ang galit sa iyo ng anak mo.” “Ano ba ang pakialam mo? Ilabas mo na si Tyrah. Ngayon din.” Iwinasiwas ni Darlah ang isa nitong kamay. “Nag-aaksa ka lamang ng laway mo rito, Manuel. Hindi ka pala aware na wala na rito ang anak mo.” Natigilan siya sa sinabi nito. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Binayaran na niya ang utang mo. Kaya wala na rito ang anak mo. Malaya na siya sa lugar na ito. Ano’ng tingin mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD