“MA’AM, excuse me po,” anang isang kawaksi na napagbuksan ni Tyrah ng pinto sa silid nila ni Ravano isang hapon. “Yes po?” nakangiti pa niyang wika. “Ahm, Ma’am, may gusto pong kumausap sa inyo. Nasa study room po.” Kumunot ang noo niya. “Dumating na po ba si Ravano?” Umiling ang kawaksi. “Hindi pa po.” “Kung ganoon, sino ho ang nasa study room?” “Ahm, Ma’am, pumunta na lang po kayo roon,” nagyuko pa iyon ng ulo bago nagpaalam na rin sa kaniya. Naiwan si Tyrah sa kaniyang kinatatayuan na clueless kung sino ang nasa study room. Hindi raw si Ravano. Sa pagkakaalam niya ay pribado masyado ang study room na iyon na nagsisilbi ring opisina ni Ravano sa bahay na iyon. Presentable naman siyang tingnan kaya hindi na nagdalawang isip pa si Tyrah at naglakad na papunta sa study room sa mans