HABANG kumakain sina Ravano at Tyrah, may gusto siyang itanong kay Ravano. Nitong mga nakaraan palala nang palala ang nararamdaman niyang anxiety. To the point nga na pati ang paninilbihan sa mansiyon ay gusto na niyang pasukin. “May gusto sana akong itanong,” ani Tyrah kay Ravano nang hindi na makatiis. “Tungkol saan?” agad namang tanong sa kaniya ni Ravano. “Ahm, mamaya na lang kapag tapos na tayong kumain. Ayaw kong mawalan ka ng gana.” “Sobrang nakakawalang gana ba ang itatanong mo?” nangingiti pang tanong ni Ravano kay Tyrah. “Hindi ko sure. Pero para sigurado, mamaya na lang natin pag-usapan.” “Okay,” ani Ravano na iginalang ang nais niya. Hindi na rin ito nangulit pa. Matapos nga nilang kumain nang tanghalian ay iginiya pa siya ni Ravano sa gamit nilang silid, na nasa unang