NANGINGITING nilapitan ni Tyrah si Ravano na para bang kay layo ng nararating ng isipan ng mga sandaling iyon sa may lanai. Nakatulala kasi ito sa kawalan. “Siguro naman, sa katutulala mo riyan, may naisip ka ng pangalan ng anak nating lalaki?” nakangiti pa ring wika ni Tyrah nang maupo siya sa may tabi ni Ravano. Saka lang ito tila ba nakabalik sa realidad nang marinig ang boses niya. Awtomatiko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito nang makita siya. Agad ding pumulupot ang mga kamay nito sa kaniyang katawan upang yakapin siya. “Sumasakit lang ang ulo ko sa pag-iisip, sweetheart.” “Baka naman kasi sobrang unique pa ng pangalan na iniisip mo?” “Gusto ko lang ding bigyan ng magandang pangalan ang anak natin.” Isinandig ni Tyrah ang kaniyang sarili sa katawan ng kaniyang nobyo. Maging siy