PUMATAK ang luha ni Tyrah na mabilis niyang pinalis. Kapag kuwan ay itinuloy ang pagpa-practice ng sayaw. Mukhang ito talaga ang nakatadhana sa kaniya na mangyari. Daig pa niya iyong pakiramdam na para siyang patay na buhay. Mamayang gabi na siya nakatakdang mag-perform. At dahil hindi niya gusto ang kahihinatnan niya, gusto na lamang niyang tapusin ang buhay niya dahil sa matinding anxiety na nararamdaman. Matapos nga ang kanilang final practice, ang tagal pa niyang nakakulong lamang sa banyo. Kinakatok na siya roon ng kaniyang mga kasamahan ngunit hindi siya natitinag. Nakatitig siya sa hawak niyang gunting. She wants to cut her wrist or stub herself to death. Humigpit ang kapit niya sa gunting. Ang mga luha sa kaniyang mga mata ay nag-uunahan sa pagpatak. Huminga siya nang malalim.