PAANO ba ni Tyrah ipapaliwanag na hindi siya entertainer sa Dazy Nights? Namumuo ang kaba sa kaniyang dibdib. Lalo na at sa tanang buhay niya, hindi pa niya nagagawa ang ganitong klase ng trabaho. Gusto niyang maiyak. Oo, lumaki siya sa karangyaan noon. Na naputol lamang dahil sa ama niyang sugarol. Pero kahit nakaramdam ng hirap, hindi siya kumapit sa patalim. Nagtrabaho siya nang marangal kahit hindi sobrang laki ng sahod dahil isa lamang siyang undergraduate sa college. Huminga nang malalim si Tyrah at lakas-loob na pinagmasdan ang guwapong VIP na kasama niya ng mga sandaling iyon sa lamesang iyon. Kung bakit nakakapanglambot ang klase ng mga titig nito. “S-sir,” aniya nang makabawi. “A-ahm, pasensiya po pero hindi po ako—” “We can’t afford to offend him,” naalala ni Tyrah na mariin