“COME closer,” utos ni Ravano kay Tyrah. “H-ha?” Mukhang pinigil pa ni Ravano ang mapapalatak. Ito na ang kusang humakbang papalapit kay Tyrah. Bumaba pa ang mukha ni Ravano na buong akala naman ni Tyrah ay para hagkan siya. Pero hindi dahil inilapit lang nito ang labi nito sa may tainga niya. Habang ang mga kamay nito ay yumakap pa sa kaniyang baywang. Kapag kuwan ay hinapit siyang lalo palapit sa katawan nito. “Paano paniniwalaan ng mga tao rito sa bahay na may relasyon tayo kung simpleng sweet gesture sa pag-alis ko ay wala ka man lamang ibinibigay? Kung makapagpaalam ka pa sa akin ay isang dipa ang layo mo. Kulang ka pa yata sa orientation, Tyrah.” Napalunok si Tyrah sa sinabing iyon ni Ravano. “Sorry,” hinging paumanhin niya na minabuting yumakap rito. “Sweetheart,” may kalakasan