Chapter three

1415 Words
Chapter three Unti unting minulat ni Ana Maria ang talukap ng kanyang mga mata. Napabalikwas siya agad ng makitang nasa ibang lugar siya! Nasa loob siya nang kwarto ng isang napakagandang bahay. Para iyong mamahaling hotel na ngayon palang niya narating. Kakaiba din ang mga gamit sa paligid. Tumayo agad siya mula sa napakalambot na puting kama. "N-Nasaan ako?" Nayakap niya ang kanyang sarili at pakiramdam niya mababaliw nanaman siya. Pilit niyang inalala lahat ng mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. Natatandaan niya ang mga huling nangyari sakanya. Sakay siya ng isang eroplano mula amerika papuntang pilipinas ngunut hindi niya maintindihan kung paano siya napadpad sa hinaharap. "Diyos ko po. K-Kaninong bahay to!" Unti unti na nanunubig ang kanyang mga mata. Nakita niya sa bandang gilid ng pader ang kanyang maliit na maleta. Nilapitan agad niya ang kanyang maleta at hinanap ang kanyang pasaporte. Habang hinahanap niya ang kanyang passport bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napalingon siya sa taong kakapasok lamang ng kwarto Unti unting nabuhayan siya ng loob ng makita niya si Toper! Nakasuot ito ng kakaibang kasuotan. Mukhang napakayaman nito sa tindig nito ngayon kumpara sa huling pagkikita nila. Ngunit nasisigurado niyang si Toper ito. "L-Love?!" Agad siyang tumakbo palapit kay Toper at niyakap ito ng mahigpit. Napaiyak din siya sa labis na kasiyahan "Love akala ko nababaliw nako. Akala ko napunta ako sa hinaharap--" "Miss--" "Miss na miss din kita Love!" Mas hinigpitan niya ang pagyakap kay Toper. Napansin niyang mas lalo itong gumwapo at sobrang bango na nito ngayon! Malayong malayo sa dati nitong pananamit. Nabigla ito ng halikan niya ito sa pisngi. Naglambitin siya sa leeg nito sa sobrang saya na kanyang nararamdaman "Love akala ko hindi na kita makikita." Napalunok ito at napatingin sa kanyang mukha. Tahimik lang ito habang hinahayaan siyang maglambitin sa leeg nito "Love parang bumango ka? Dalawang taon lang tayong hindi nagkita nagbago kana. At bakit nakakurbata ka? Saan ang punta mo love?" "Miss--" Nagtangka muli magsalita si Toper ngunit pinigilan niya ito gamit ang kanyang labi. Natukso kasi siyang halikan agad ito. Nanlaki ang mata nito sa kanyang ginawa. Bahagya siyang tinulak ni Toper. "Stop it" Umatras ito "L-Love?" Nagtatakang tanong niya dahil sa ginawa nitong pag putol sa kaniyang halik "I-Im not Toper" "Love ano bang pinagsasasabi mo?" Lalapitan niya sana muli si Toper ngunit umatras ito "Look miss, Im not Toper. Is this your passport?" Napakunot ang kanyang nuo. Dahil hawak hawak nito ang kanyang passport "T-Teka hindi ko maintindihan Toper--" "Miss hindi ako si Toper. I'm Kelvin. Tinawagan ako ng immigaration officer dahil hinahanap mo raw ang lolo ko. Why are you looking for my grandfather? Anong kailangan mo sa lolo ko?" kunot nuong tanong nito sakanya "L-Lolo? S-Sinong lolo mo love? Bakit ko naman hahanapin ang lolo mo--" "My grandfather is Crisostomo Valdez" Pakiramdam ni Ana Maria namanhid ang kanyang katawan at hindi siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan "A-Ang ang ang ibig ibig sabihin. N-Nasa year 2017 padin ako?" Parang nababaliw niyang tanong kay Kelvin Tahimik lang ito at pinagmamasdan siya Inagaw niya ang kanyang passport at pinakita niya iyon mabuti kay Kelvin "A-Ako si Ana Maria. Year 1980 ako sumakay ng eroplano mula amerika para umuwi ng pilipinas. Pero pag dating ko sa airport year 2017 na. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Si Toper kamukhang kamukha mo siya.. Imposible to. Hindi ito kapanipaniwala. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Please tulungan mo ako" Napahagulgol na siya dahil nabibigla siya sa mga nangyayari sa paligid niya "I think you are crazy. Tutulungan kita magpagamot" "Hindi ako baliw! Nagsasabi ako ng totoo" Tinitigan lang siya nito "Fine. I'll help you. Sumama ka sakin. Marami pa akong trabaho ngayong araw na to kaya bilisan mo na." "S-Saan tayo pupunta?" "Sa mental hospital. Matutulungan ka nila doon" Napalunok siya at lalong napaiyak "H-Hindi ako nababaliw. Matino pa ang pag iisip ko. Parang awa mo na. Hindi ko talaga alam kung paano ako napadpad dito" Napahagulgol na talaga siya. "Nobody will believe you. Hindi ko din alam kung bakit kita inuwi dito sa bahay ko. Naawa lang ako sayo baka kung anong gawin sayo ng ibang tao. Satingin ko kasi nababaliw ka na. Dadalhin nalang kita sa psychologist para matulungan ka" Umiling siya "Hindi ako baliw. Papatunayan ko sayo" Lumapit agad siya sa kanyang maleta at hinalughog ang kanyang gamit. Kinuha niya doon ang lumang litrato nilang dalawa ni Toper at ang mga sulat nito sakanya "Nagsasabi ako ng totoo. Nobyo ko talaga si Toper. Heto ang litrato namin" Nakakunot ang nuo ni Kelvin ng abutin nito mula sa kanya ang lumang litrato Ang litratong iyon ang nag iisang litrato nilang dalawa ni Toper noon. Nakayakap ito sakanya habang siya naman ay nakangiti sa camera. Kitang kita ang kanilang mga mukha sa litrato Bakas sa mukha ni Kelvin ang pagkagulat. Kamukhang kamukha kase nito ang lolo nito. Para bang pinagbiyak na bunga. Palipat lipat ang tingin nito sakanya at sa litrato. Hindi ito makapaniwala sa nakikita nito. "Basahin mo sa likod ng litrato namin ni Toper nakasulat diyan ang mensahe sakin ni Toper" Nakakunot nuo padin ito. Hindi ito makapaniwala dahil penmanship talaga ng lolo nito ang nakalagda sa likuran ng litrato. I will always love you Ana Maria.. Napaatras ito. Bakas na bakas sa gwapong mukha nito ang pagkabigla "H-How could it be? Paano nangyari to?" Hindi makapaniwalang tanong nito Nagkaroon siya ng pag-asa sa tingin niya naniniwala na ito sakanya "Hindi ko din alam. Sakay sakay ako ng flight 914 pauwing pilipinas--" "Flight 914?" Kunot nuong tanong nito Tumango siya "Oo. Yan ang sinasakyan kong eroplano" Tila ba nag iisip ito ng malalim. "Kung totoo ang sinasabi mo. Nasaan ang iba mo pang kasama sa eroplano?" "Hindi ko alam. Parang naengkanto ako. Hindi ko alam paano ako napapadpad dito" Tumalikod agad si Kelvin. Lumakad ito palabas ng kwarto. Kaya naman sinundan niya ito. Pumasok ito sa isa pang napakagandang kwarto. Lumapit ito sa isang high tech-computer. Para bang may i-sesearch ito doon. W-Wow ganito na ba kaganda ang computer sa hinaharap? "I remembered my grandfather's first love died on a plane crash. Ibig sabihin multo ka?" Kinilabutan siya sa sinabi nito "Grabe ka naman. Buhay na buhay pa ako!" Seryoso itong nagtitipa sa keyboard ng computer. Nakibasa din siya sa mga nakasulat sa flat screen ng computer. "Move" Masungit na utos nito sakanya nang mapansin nitong halos magkalapit na ang mukha nila "A-Ang sungit mo naman. Nakikibasa lang ako" Naningkit ang mata nito kaya wala siyang magawa kundi umusog Naging seryoso naman ang mukha ni Kelvin habang binabasa nito ang tungkol sa flight 914 Google: The mysterious flight 914. After it took off from New York last July 2 1980, it wouldn't take long before air traffic controllers lost signal of American flight 914. Just like that, it had completely disappeared from the radar and no one understood what had happened. Not only was there no indication that the plane had crashed somewhere remote, but there was also no sign of bodies of any of the passengers or crew members that were aboard. Napalunok si Kelvin habang binabasa ang mga nakasulat sa computer. "Sabi ko sayo hindi ako nagsisinungaling. Kasama ako sa flight 914 noong 1980" Napalingon ito sakanya "For 37 years? I can't believe this!" Tumayo ito at parang hindi mapakali "Ibig palang sabihin nawala ng parang bula yung eroplano namin nung 1980? Kaya pala napadpad ako dito sa future" "My grandmother told my mom about the girl named Ana Maria. Sabi ng lola ko namatay ang first love ni lolo sa isang plane crashed. So it was you?" "Correction nawala ung plane hindi nag crash. Sino bang lola mo? Teka kung lolo mo si Toper ibig sabihin nakapag asawa siya ng iba at nagkaanak sila?" Unti unting lumungkot ang puso niya "Yeah. Anak nila yung mom ko.." "M-Manloloko yang lolo mo!" Napapahikbi na siya. Hindi niya lubos maisip na niloko siya ni Toper "May anak na sila bago ka pa nawala" Napalingon siya. "A-Anong ibig mong sabihin?" "1972 pinanganak ang mom ko. Nawala yung plane mo nung 1980. That means five years old na ang mom ko bago ka pa nawala sa mundo." Napalunok siya. Parang may bumara sa kanyang lalamunan "H-Hindi. Hindi magagawa sakin ni Toper yun" "He did.." Napalabi siya. Mukhang gustong gusto siyang paiyakin ni Kelvin. "Ang sama ni Toper.." Napayuko nalang siya at napaiyak. Dahil sa pagtataksil ni Toper "Anong pangalan ng lola mo?" "Felicia" "Si Felicia?!" Gulat na tanong niya kay Kelvin. "Yeah" "Buhay pa ba si Felicia?! Dalhin mo ako sakanya sasabunutan ko siya!" Natawa si Kelvin sa kanyang sinabi "Yes buhay pa si lola. Pero No, hindi kita dadalhin sakanya" Napahagulgol siya. "Best friend ko yung lola mo! Anak pala ni Toper yung anak niya? Sabi niya sakin anak niya yun sa ibang lalake! Baka mabaliw nako talaga sa mga nangyayari sakin!" Napahagulgol siya "So whats your plan now?" "Hindi ko alam. Tulungan mo ako wala nakong mauwiang pamilya.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD