"Still crying?"
Saglit siyang natigilan ng marinig niya ang naiinis na boses ni Kelvin. Kararating lang nito galing sa opisina nito. Naabutan siya nitong umiiyak sa kwartong ipinahiram nito pansamantala sakanya.
Napasinghot siya. Habang pinupunasan ang kanyang pisngi na basang basa ng luha.
Magang-maga na ang kanyang mga mata dahil buong araw siyang umiiyak.
"Eh naiiyak ako eh. Ikaw ba naman ma-engkanto? Tapos mapadpad sa future? Ewan ko lang sayo kung hindi ka umiyak maghapon"
Nanginginig pa ang kanyang labi habang nagsasalita siya. She feel hopeless and lost. Gustong gusto niyang isiping nananaginip lamang siya.
"Umalis ako kanina umiiyak ka, Ngayon umiiyak ka padin? Hmm hindi ka ba napapagod sa kakaiyak mo? Baka isipin ng kapitbahay may multo dito sa bahay ko."
Lumapit ito sakanya at inabutan siya nito ng isang box nang tissue paper.
"M-Multo?"
Tinangap niya ang tissue paper na ibinigay nito. Kahit papaano mabait naman pala ang apo ni Toper.
"Yeah"
"A-Ako?"
Nagpalingon lingon ito
"May iba pa ba akong kausap?" Pilosopong sagot nito
"B-Bakit naman nila iisipin may multo dito?"
"Iyak ka kasi ng iyak. Baka hangang sa kabilang bahay naririnig ka. Sanay pa naman sila na wala akong kasama dito sa bahay ko."
"Uso padin pala ang multo at chismosa sa future?"
Napangiti ito ng kaunti sa kanyang sinabi ngunit agad din sumeryoso
"Anyway, Nagdala ako ng makakain mo. Bayaran mo nalang ako kapag nakahanap ka na ng trabaho-"
"Paano ako maghahanap ng trabaho? Lahat ng documents ko luma. Baka pagtawanan lang ako."
"Its not my problem anymore. Tinulungan na nga kita makitira pansamantala dito sa bahay ko"
Napahikbi siya. Pakiramdam niya napakahopeless na ng kanyang buhay.
"Lubusin mo na yung tulong mo please? Isipin mo nalang ako muntik nang maging lola mo. Pababayaan mo ba ang lola mo? Walang pera, walang makain, walang trabaho? Kaya sana tulungan mo nako ng todo"
She tried to look pitiful. Naalala niya pa kung paano siya mag-paawa noon sa kanyang nobyo. Teknik niya iyon para maawa ito sakanya
Napa-iling nalang si Kelvin at hindi mapigilan mapangiti.
Hmm pansin ko pala-smile siya kahit medyo masungit.
"No. Thats too much."
"Toper sige na?"
"I'm not Toper"
"Ay! Este Kelvin." Napakamot nalang siya sa kanyang ulo. Hindi niya kasi maiwasan isipin na ito padin ang kanyang nobyo. Kahawig na kahawig kasi ito ni Toper.
"Maghanap ka ng trabaho bukas. Kahit ano para makahanap kana ng bagong titirahan mo. Hindi kasi ako sanay na may kasama sa bahay ko"
Tumalikod na ito at naglakad palabas ng kwarto.
"Kelvin sige na?" Sinundan niya ito
"No.."
"Please? Kahit anong trabaho tatangapin ko!"
"I said No.."
Lumiko ito sa isang pasilyo at pumasok sa isang magandang kwarto.
Akmang papasok din siya sa loob ng kwartong pinasukan nito ngunit humarang ito sa pintuan.
"Go back to your room. Hindi kita pwedeng tulungan ng husto. I'm not sure kung binibilog mo lang ang ulo ko para maniwala sa mga kwento mo"
Napatitig siya sa mukha ni Kelvin. Ngayon lang niya ito natitigan ng husto. Kahawig lang pala ito ni Toper ngunit kapag tinitigan ito masasabi niyang may pagkakaiba padin ang mukha ng mga ito.
Dahil napakagwapo nito kaysa kay Toper. Mas makinis ang balat nito na para bang inalagaan ng husto. Namumula din ang labi nito hindi katulad kay Toper na medyo maitim ang labi dahil sa paninigarilyo.
"Hindi ka naninigarilyo no?" Wala sa sariling tanong niya kay Kelvin habang nakatitig siya sa labi nito
Napalunok ito ng mapansin nitong nakatingin siya sa labi nito
"W-What?"
"Ang ganda ng labi mo. Huwag kang maninigarilyo Kelvin.."
Hindi niya mapigilan purihin ang magandang labi nito.
"G-Go back to your room. Kung ano anong sinasabi mo."
Napapikit nalang siya ng isarado ni Kelvin ang pintuan ng kwarto nito. Doon siya natauhan sa kanyang kagagahan.
Napangiti nalang siya dahil napansin niyang nailang si Kelvin sa kanyang ginawang papuri.
"Kelvin kakainin ko na yung pagkain, Saan mo nilagay?" Sigaw niya sa likod ng saradong pinto.
"Sa kusina!" Sigaw din nito
Napangiti siya. Kahit papaano pala may puso rin ito. Mabuti naman at naisip nitong dalhan siya ng pag kain.
"Salamat!" Sigaw niya uli bago siya pumunta sa kusina dahil kumukulo na ang kanyang tiyan.
Pagpasok niya sa kusina mayroong isang box doon ng KFC chicken meal. Agad kumulo ang kanyang tiyan.
Aba sosyal na talaga sa future. Malaki na yung box ng KFC!
Naghugas muna siya ng kanyang kamay bago nag-umpisang kumain.
Napapikit siya ng malasahan niya ang malinamnam na manok ng KFC. Doon palang niya naramdaman na gutom na gutom na siya.
Habang sinisimot niya ang buto ng manok napalingon siya kay Kelvin ng pumasok ito sa kusina.
Napansin niyang bihis na bihis ito. Mukhang bagong ligo ito.
"I-lock mo mabuti lahat ng pinto bago ka matulog. I'm going out, Umaga na ako uuwi"
Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito. Agad niya itong hinabol kahit hawak hawak niya pa ang buto ng manok. Ang bilis kasi nitong naglakad palabas ng bahay nito
"Toper- este Kelvin! Wait!" Habol niya dito
"What?" Halata sa boses nito ang pagka-irita sakanya. Papasok na sana ito sa kotse nito ngunit pinigilan niya ito
"Teka muna, Iiwan mo ako mag-isa dito ngayong gabi?"
"Yeah. May pupuntahan ako--"
"Sama ako! Natatakot akong mag isa diyan sa bahay mo baka mamaya may multo nga talaga diyan eh!"
Napakunot ang nuo nito
"No. Hindi ka pwedeng sumama"
"Natatakot talaga ako--"
"Ikaw nga yung nakakatakot eh. Bigla ka nalang susulpot dito sa future? Baka multo ka na?" Halatang binibiro lamang siya nito ngunit napasimangot siya
"Kung ayaw mong maniwalang galing ako sa nakaraan. Ayos lang! Basta huwag mo akong iwanan ngayong gabi. Natatakot ako"
He look at her and noticed her sad face
"Fine. Sumama ka sakin pero hindi mo ako pwedeng lapitan"
"Eh saan ka ba pupunta?"
"Ang dami mong tanong. Lets go" Pumasok na ito sa loob ng kotse nito.
"Teka lang!"
Agad siyang tumakbo papunta sa likod ng kotse nito at sumakay doon
"Gagawin mo pa talaga akong driver? Dito ka sa harap umupo at huwag diyan"
Kahit nagsusungit ito mas lalo itong guma-gwapo sa kanyang paningin.
"Ay! Sorry!" Hingi niya ng paumanhin kay Kelvin bago siya lumabas ng kotse nito at sumakay muli sa passenger seat
Nakasimangot ito bago ito nagsimulang magmaneho
"Hindi naman kita balak gawin driver. Sana sinabi mong gusto mo akong gawing nobya"
"What?"
Napapangiti siya ng pasimple habang kinikilig siya
"Kasi dito mo ako pina-upo sa harapan. Ibig sabihin mahalaga ako sayo--"
"Wait, What?" Napapreno ito sa kanyang sinabi
"May mali ba sa sinabi ko?"
"Yeah. I don't get what are you talking about. Anong mahalaga? Anong gustong maging nobya? I don't get it"
Napanganga nalang siya at para bang gusto niyang kutusan ang kanyang sarili. Baka nagkakamali lamang siya ng akala.
"Pasensya kana Kelvin, Sa nakaraan kasi kapag pina-upo mo sa harapan ng kotse ang isang babae ibig sabihin may gusto ka sakanya. Maliban sa asawa mo o nobya mo wala kang pwedeng paupoin sa pwestong ito--"
"Get out. Lumipat ka nalang uli sa likod" Masungit na utos nito habang namumula ang pisngi.
Napalabi siya
"Pero--"
"Lipat na" Hindi ito makatingin sakanya
Napalabi nalang siya at walang nagawa kundi lumipat sa likod ng kotse nito
Panguso-nguso siya habang bumubulong bulong.
Hmp sungit! Purkit sobrang gwapo ang sungit sungit na!
Tahimik itong nagmaneho muli.
"Saan ba tayo pupunta Kelvin?" Maya-maya tanong niya
"Sa bar"
Nanlaki ang kanyang mata
"Sa bar?!"
"Yeah. Bahala ka na sa sarili mo pag nandoon tayo. Huwag mo akong lalapitan kahit anong mangyari."
"Eh paano ako uuwi?"
Napabuntong hininga ito
"Para akong may kasamang bata." bulong nito sa sarili. Nakakaramdam na ito ng inis sakanya.
"Kelvin bakit ka ba pupunta sa bar? Hindi ka ba napagod sa pagtatrabaho mo buong araw?"
"Ang dami mong tanong. Mga 4am dapat nasa parking kana hintayin mo ako mamaya"
"4AM?! Magpupuyat tayo?"
"Yeah. Gusto mong sumama diba?" Tumitingin tingin ito sakanya sa maliit na salamin habang kinakausap siya
Napanguso nalang siya dahil wala naman siyang magagawa. Ngunit may bigla siyang naisip. Naisip niyang magandang opportunidad ang magpunta sila sa isang bar. Maari siya doong mag apply bilang dancer. Sa wakas magkakaroon na siya ng trabaho kapag natangap siya. Kahit papano magagawa na niyang mabuhay habang hindi pa niya maintindihan ang mga pangyayari sa kanyang buhay
Bigla siyang napangiti
"Tara bar tayo! Ang tagal mo naman mag maneho Kelvin!"
Napakunot lang ang nuo nito at nagtataka marahil ito sa pagbabago ng mood niya
"Ubusin mo muna yang manok mo, Dinala mo pa sa kotse ko babaho to" Sita nito sakanya
Napangiwi siya dahil doon palang niya naalala ang kawawang buto ng manok.
"Ay buto nalang pala.." Pasimple niyang binuksan ang bintana ng kotse nito at inihagis ang buto ng manok sa kalsada
"Huy! Mahuhuli pa tayo ng pulis sa ginawa mo" Lalo itong nainis sa kanyang ginawa
"Wala namang pulis sa gabi. Tulog na ang mga iyon"
Napa-iling nalang ito habang nagmamaneho
"May tissue ka?"
"Wala" Masungit nitong sagot
Nagkibit balikat nalang siya at pasimpleng ipinunas ang kanyang masebong kamay sa upuan ng kotse nito
Sungit mo ha.. Maglaba ka ng kotse bukas- Pilya niyang ganti kay Kelvin
Mayamaya pa nakarating na sila sa parking lot ng bar.
"Mauna kang lumabas. After that hindi na tayo magkakilala hangang 4am. Do you understand?"
Sinaluduhan niya ito
"Yes Sir!" Biro niya
Inabutan siya nito ng isang libo
"Here. Idagdag mo yan sa utang mo sakin. Para may pang-gastos ka diyan sa loob. Hindi ka pwedeng umalis dito sa bar. Ayokong maghanap sayo kapag nawala ka iiwanan kita. Basta 4am nandito kana dapat"
"Wow isang libo?! Sweldo ko na ito buong buwan!"
"Mababa na ang halaga ng pera natin ngayon. Baka nakakalimutan mo nandito ka sa future"
Nagpabango ito at nagsalamin pa. Mukhang nagpapapogi ito bago ito pumunta sa bar
"Ano tinitingin tingin mo? Alis na"
Napansin kasi nitong nakatingin siya sa kagwapuhan nito
"Mamba-babae ka no?" Hula niya
"It's none of your business" Masungit nitong sagot sakanya
"Manang mana ka sa lolo mo. Kung makikita ko lang si Toper ngayon pag-uuntugin ko kayong dalawa!"
Lumabas na siya sa kotse nito at malakas niyang isinara ang pinto.
Pinigilan nitong mapangiti dahil sa kanyang sinabi.
"Crazy" anito habang pinagmamasdan siyang maglakad papasok ng bar
Napansin nitong maganda ang hubog ng kanyang katawan.
"Damn Kelvin. Pati ba naman Lola?" Sita ni Kelvin sa sarili bago ito lumabas ng kotse nito.
Napangiti si Kelvin simula ngayon lola na ang itatawag niya kay Ana Maria.