Chapter 22 Na-alinpungatan si Ana Maria sa taong bumulabog ng kanyang tulog "Sino kayo?! Bakit kayo nandito sa pamamahay namin?!" Napabalikwas agad siya ng makita ang isang matandang babae sa pintuan ng kwartong tinutulugan nilang dalawa ni Kelvin, tila gulat na gulat ito sa nasaksihan. "Diyos miyo! Magbihis nga kayong dalawa!" Sigaw pa ulit nito. "S-Sorry po!" Halos magkabuhol ang kanyang dila. Sino ba naman hindi magkakabuhol buhol ang dila kung nahuli kayo ng may-ari ng bahay sa kwarto nito na nakahubad pa! Agad niyang hinanap ang kanyang mga damit. "Gisingin mo yang mister mo! Binaboy niyo ang bahay ko!" Galit na galit na sigaw ng matandang babae Napatingin tuloy siya kay Kelvin habang sinusuot niya ang kanyang panty. Hindi padin ito nagigising? Tulog mantika pala ito! Sa

