Chapter 23 Dahil naligaw sila noong isang araw papuntang bicol, Sinamahan nalang sila ni Lola Felicia papuntang bicol. Nag-alala ito ng husto sakanila. "Sasabunutan ko tong si Lizardo eh. May hang-over pala siya kaya naman pala naligaw kayo!" ani lola Felicia. Nakasakay sila ngayon sa isang eroplano. Napapayag siya ng mga ito na sumakay ng eroplano. Katakot takot na dasal ang inusal niya noong pasakay palang siya ng eroplano para bang babaliktad na ang sikmura niya. Mabuti nalang inalalayan siya ng husto ni Kelvin. Kaya napanatag na siya sa loob ng eroplano. At higit sa lahat mabilis naman ang magiging biyahe nila papuntang bicol. "Sorry na lola! Itong dalawang apo mo kasi-" Napatingin si Lizardo kay Kelvin kaya napatigil ito sa pagsasalita. Yung tipong shut your mouth or else i'll