"Ma'am Ana, yung isang client po natin nagrereklamo dahil mali daw po yung na-deliver natin sa opisina nila. Red roses daw po ang order nila bakit sun flower daw po ang ipinadala niyo?" Hinilot ni Ana ang kanyang nuo. Sinasabi na nga ba niya may hindi siya magagawang tama sa araw na ito. Paano isang linggo nang okupado ang kanyang isip. Tandang tanda niya pa kasi ang petsang ito, ito ang petsa noong huli silang magkita ni Kelvin. Nang makabalik siya sa nakaraan tinandaan niya ang petsa kung kailan niya ito huling nakita. Hangang ngayon nag iisa padin ito sa puso niya. Mahal na mahal niya padin ang kanyang asawa. Marahil sa mga oras na ito natatandaan siya nito? O baka naman nabura na siya sa isipan nito? "Maam Ana? Nakatulala nanaman po kayo" Doon palang siya muli napatingin kay