Masakit ang ulo ni Kelvin ng magising siya kinabukasan. Agad siyang napabangon ng maalala niyang ito ang ika-isang daang araw ni Ana Maria sa hinaharap dahil babalik na ito sa nakaraan. "Babe! Where are you?!" Labis ang takot na kanyang naramdaman ng wala na ito sa kanyang tabi. Hinanap niya agad ito sa buong bahay ngunit wala ito kahit saan "Babe?! Nasan ka ba?!" Unti unti na nanginginig ang kanyang boses. Dahil hindi niya ito mahanap sa buong bahay! Iyon ang bahay na kanyang ipinagawa. Pinasadya niya ang bahay na iyon para kay Ana Maria dahil mahilig ito sa mga bulaklak. "Ana?! Nasan ka ba!" Muntik pa siyang madapa dahil sa pagmamadali niyang hanapin ito Bumalik siya sa kwarto kung saan sila natulog kagabi. Buong gabi nila pinagsaluhan ang kanilang pagmamahal sa isat isa. Mag-